Thursday, June 23, 2011

Chapter 10 - Prinsesa

"Ang dami ata tao ngayon?"

"Malamang bakasyon eh" sagot ni Swakie.

"Oh ayan na pala sila Rona" singit ni Dennis.

Mag kasama dumating sila Rona at Lyra sa meeting place na pinag usapan namin upang manuod ng sine.

"Lyra! ganda ng suot natin ah, diba Neal?" sambit ni Swakie.

Napatango na lang ako sa sinabi ni Swakie.

"Naku salamat" sabay ngiti ni Lyra.

"Heto mga ticket niyo sa sine" sabay abot sa amin ni Dennis ng mga ticket.

"Salamat Dennis" sagot ni Rona.

"Tara na at mag sisimula na yung sine"

Pumasok na kami sa sinehan nila Swakie, Dennis, Rona at Lyra. Puno ang sinehan dahil sikat ang bida ng sine na si Leonardo DiCaprio.

"You create the world of the dream. We bring the subject into that dream and fill it with their subconscious"

"How could I ever acquire enough detail to make them think that it's reality?"

"Well, dreams, they feel real while we're in them right? Its only when we wake up then we realize that something was actually strange"

"Ang sarap ng popcorn!" singit ni Swakie habang nanonood kami.

"Takte to sumama ka ba para manuod o kumain? Akin na nga yang popcorn!"

Kinuha ko bigla yung popcorn mula kay Swakie.

"Ho-hoy!"

"Eto Swakie sayo na lang"

"Uy salamat Rona! Haha akala mo Neal maiisahan mo ako"

"Ang kulit ni Swakie" natatawang sinabi ni Lyra.

Nang matapos kami manuod ng sine, lumabas na kaming lima sa sinehan.

"Grabe ung sine ni DiCaprio, na hilo ako" sambit ni Dennis.

"Eh paanong hindi ka mahihilo kung saan-saan ka dumudungaw"

Nag tawanan lang kaming lahat.

Matapos nito ay kumain kami sa isang pizza restaurant.

Masarap yung kinain namin na pizza kahit halos puro si Swakie ang kumain. Na una nang umalis si Dennis dahil may gagawin pa daw siya sa kanila, si Rona naman ay umalis na din matapos kumain dahil mag babantay pa daw siya ng tindahan nila.

"Oh Swakie may isang piraso pa ng pizza"

"Ay mauna na din pala ako" sagot ni Swakie.

"Hu-huy?!"

Bigla na lang umalis si Swakie ng walang sinasabing dahilan.

"So... It's just the two of us" sabay ngiti ni Lyra.

"Haha mukhang ganun na nga.. Onga pala ano sunod mo na i-cocosplay?"

"Hmm... Baka si Shana"

"Mahilig ka sa mga warrior type ng characters?"

"Medyo, sa cosplay kasi kahit papaano nagiging mukang strong ako haha!"

"Hahaha! Lyra, gabi na pala. Uwi na tayo?"

"Iha-hatid mo ako?" sabay kindat ni Lyra sakin.

"Makaka-tanggi pa ba ako?"

Hinatid ko si Lyra sa bahay nila, buti na lang hindi gaano ma-trapik kaya mabilis kami dumating sa kanila.

"Sige Neal salamat sa pag hatid"

"Sige ingat sakin haha!"

Pa alis na ako ng biglang humabol si Lyra sakin.

"Neal..."

Nag lapat ang kanyang mga labi sa akin pisngi... Isang halik ng prinsesa.

-end of chapter 10-



The movie they watched was Inception.

All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Wednesday, June 8, 2011

Chapter 9 - Rona

Ako nga pala si Rona, Isang IT graduate pero sa hirap mag hanap ng trabaho ay na pilitan na lang ako tumulong sa tindahan ng mga magulang ko.


"Ate pa bili nga po isang kilong bigas, yung dinorado"

"Ah saglit lang... Heto oh"

Bigla akong tinawag ni mama.

"Rona! Anak may tawag ka sa telepono!" sigaw ni mama.

"Opo!"

Pinuntahan ko at sinagot ko ang telepono.

"Hello?"

"Ronachii! Hehe!"

"Uy Lyra, Kamusta bakit ka napa tawag?"

"Labas tayo?"

"Ha? Ngayon?"

"Yup! Shopping sa mall"

"Sige, Anong oras?"

"Mga alas-dos na lang hehe"

"Sige Lyra kita na lang tayo mamaya"

Pag tapos nung pag uusap namin ni Lyra sa telepono ay nag ayos na ako upang maka punta sa mall.

Nung dumating ako sa lugar na pag hihintayan ko kay Lyra ay mamaya pa dumating na din siya.

"Rona!"

"Hi"

"Tara shopping?"

At nag shopping na nga kami ni Lyra, Sa totoo lang hindi ko hilig ang mag shopping isa pa wala din naman ako gaanong pera.

Pag tapos ng ilang oras namin na pag sho-shopping ay naisipan muna namin mag kape sa isang coffee shop.

"Ang sarap din pala ng kape nila dito"

"Ah oo Lyra, Dito din kami minsan nag kakape nila Neal"

"Ah.. Ma-iba ako"

"Ano yun?"

"Na in-love ka na ba Rona?"

"HA!?"

"Bakit? Hindi pa ba? hehe"

"Eh.. Nakakagulat kasi yung tanong mo..."

"Hahaha! Ang cute mo Ronachii!"

"Pano ba haha!... Hindi ko alam eh.."

"Hmm?... Mahirap ba umibig? Minsan tinatanong ko kasi yan sa sarili ko, yung tipong 'Kelan kaya ako mag mamahal ng taong mamahalin din ako' masaya siguro yun"

"Kailangan ba mahal ka din niya?" ngumiti ako kay Lyra.

"Uyy! si Rona hahaha!"

"Bakit? Haha! Pero hindi sa ayaw ko pa umibig, na tatakot lang kasi ako. Tila yan ang isang parte ng buhay na hindi ako sigurado kung kaya kong harapin"

"I think, Lahat naman ata tayo ganyan ang na raramdaman. Siguro may ilang tao lang talaga na kaya harapin ang mga hindi siguradong bagay sa buhay natin" sabay ngiti ni Lyra sakin.

"Oo nga.."

Matapos namin mag kape ay na isipan na namin umiwi dahil mag gagabi na din pala, Ng maka uwi ako ng bahay nag text si Lyra sa akin.

"Thanks sa bonding Ronachii! Love Love!"
-Lyra

"Salamat din girl! Love Love!"
-reply ko

Pa-tulog na ako nang biglang nag ring ang telepono.

"Riiiiing"

"Sino kaya yun.. Hello?"

"Yo loser!"

"Hay! akala ko naman kung sino na, oh bakit ka napa-tawag?"

"Nag i-imbita si Dennis na manuod ng sine sa sunod na lingo. Isama mo na din si Lyra kung gusto niya"

"Ahh sige tanong ko kay Lyra kung gusto niya sumama"

"Oh pano iba-baba ko na etong telepono at gabi na pala hahaha!"

"Ngayon mo lang na pansin? Loser ka talaga!"

"Hahahaha! Sige na, good night"

"Ahh teka...."

"Oh bakit?"

"Sige wala... Good night din..."

-end of chapter 9-


All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Monday, May 30, 2011

Chapter 8 - Bulong

"Kuya!....."

"Kuya!.... Kuya!....."

"Ha?... Ay sorry... Pa-print ba?"

Badtrip nakatulog ako habang bantay sa cafe. Bakit nga ba ako na puyat?...

*Flashback*


"Dennis! Hoy! Ano ba ginagawa natin dito?..."

"Aba siyempre mag hahanap ng chick! Alam mo naman ako, single na ulit haha!"

"Chick? dito sa internet cafe? ayus ka din eh haha!"

"Ganun talaga parekoy! iba na pag gamer ang shota mo, lagi ka may ka laro! haha!"

"Utak mo..."

"Neal, ikaw nag iisip ng may malisya diyan. Hahaha!"

"Bahala ka nga, mag lalaro na lang ako ng Dota"

"Uy teka-teka sali naman ako diyan"

"Oh sige"

"Turuan mo nga pala ako" Sabay ngiti ni Dennis.

"Kita mo na, mag hahanap daw ng chick na gamer siya pala itong hindi marunong mag laro. bwisit lang eh hahaha!"

"Haha! oh pano, game na"

"Sige na, sige na"

At nag laro na nga kami ni Dennis.

"Aaaaaargh! bakit ganun, hindi ko makuha mag last hit!" Sambit ni Dennis.

"Slow hands!" Sabay tawa ko.

Biglang may bumulong sa tenga ko.

"So... mabilis ang kamay mo?"

Kinilabutan ako sa narinig ko, napa-lingon ako kung sino yun.

"I.. Irish?"

"Kamusta?"

Bumulong ulit si Irish.

"Bakit ka namumula?" Na tatawa niyang sinabi.

"Ah.. Ano..."

Ngumiti siya.

"Pwede ba sumali?"

"Ah.. Sige?"

Umalis si Irish at pumunta sa counter ng cafe upang mag rent ng PC.

"Teka parekoy! Sino yun? Cute eh!"

"Kaibigan lang"

"Sus.. Pangalan tinatanong ko!"

"Hahaha! Si Irish"

"Irish... Hmmm.."

"Bakit ganyan ka maka-tingin Dennis?"

"Yan yung mga tipo ko parekoy!"

"Hey! Game?" Sigaw ni Irish sa kabilang PC.

"Sige!" Sagot ko.

Lumipas ang oras na kasama namin mag laro ng Dota si Irish, Hindi namin na malayan na alas-dose na ng umaga. Kami na lang pala ang tao sa cafe.

"Mga bossing closing time na kami!" Sigaw nung bantay ng cafe.

"Tayo na lang pala nandito"

"Hahaha! oo nga eh" Sagot ni Irish.

"Tara" Singit ni Dennis.

Uuwi na sana kami ni Dennis pero biglang nagyaya si Irish...

"Dota pa?"

"Oh Neal, Dota pa daw. Haha!" Singit ni Dennis.

"Ha? Alas-dose pasado na"

"Joke lang, Doon tayo sa bahay. Tamabay lang" Sagot ni Irish.

Hindi ko alam kung bakit pero na isipan na lang namin ni Dennis sumama papunta bahay ni Irish.

Malaki ang bahay nila Irish. Ito yung tipo ng mga bahay na makikita mo sa mga mamahaling subdivision.

"Pasok kayo"

"Mayaman pala kayo?"

"Hindi naman, bahay ito ng lola ko. Nasa probinsiya na kasi si lola kaya kami na ang nakatira dito"

"Ikaw lang nakatira dito?" Singit ni Dennis.

"Hindi, kasama ko pinsan ko dito. Oh pano inom tayo?"

"Tara! Tara!" Sagot ni Dennis.

At nag simula na kami mag inuman nila Dennis at Irish. Nag kwentuhan lang kami tungkol sa Dota, Pakiramdam ko parang nangyari na ito dati. Biglang nag ring ung cellphone ko at sinagot ko.

"Ma?!"

"Ikaw bata ka! Ano sa tingin mo ang oras na?! May pasok ka pa bukas! Mahiya ka sa uncle mo!"

Biglang na tawa si Irish.

"Anak ano yun naririnig ko na tawa diyan? Babae ba yun?! Umuwi ka na!!" Sabay baba ng tawag.

"Hahahaha!" Tawa ng tawa si Irish.

"Hoy Dennis! Hoy! Tara na uwi na tayo! Bad trip naka tulog pa ang mokong"

"Mama's boy ka pala" Sabay tawa ni Irish.

"Ako? Tumigil ka nga"

"Na mumula ka! Hahahaha! Oo na lang Neal"

Lasing na ako kaya hindi ko na gaano alam yung mga sinasabi ko. At dahil tulog na si Dennis kumuha na lang kami ng taxi para maka-uwi. Pa sakay na ako ng taxi biglang lumapit si Irish at may binulong..

"Next time mag paalam ka mama's boy!"


"Kuya!...."

"Kuya! Pa scan po nito!"

"Ha?.... Ay....."

Nakatulog nanaman ako. Hay... Na alala ko na kung bakit ako na puyat...

-end of chapter 8-


All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Saturday, May 28, 2011

Chapter 7 - Photo Album

Na gising ako sa lamig ng panahon, at na isipan ko muna pumunta sa banyo.

Pag bukas ko ng pinto ng banyo.

"Queek!"

Nag ka-titigan kami ni Lyra, naliligo siya...

"Lyr-"

Nagulat siya at namula ang mukha niya.

"Ne-.. Anong ginagawa mooo!!!"

Dali-dali ako umalis sa banyo. Na gising ang utak ko, Shit! nasa bahay nga pala ako ni Lyra.. Dito nga pala ako na tulog.

At nung habang nag aalmusal kami...

"Lyra.. pasensiya na kanina, nakalimutan ko nasa bahay niyo nga pala ako.."

"Ok..."

"Sorry talaga..."

"It's also my fault, didn't lock the door well.."

"Wag ka mag alala mag lalasing na lang ako para makalimot ako. Hahahaha!"

Ngumiti siya.

"Ang korni mo"

"Alam ko. Hahaha!"

Pag tapos namin mag almusal ay nag paalam na ako kay Lyra na uuwi na ako.

"Sige Lyra kailang na umuwi, hanap na ni ermats hehe"

"Sige Neal, Salamat nga pala at sinamahan mo ako"

"Wala yun"

"Wala yun kasi may nakita ka naman noh? Haha!"

"Loko! Haha!"

At umuwi na nga ako ng bahay.

"Ma! naka uwi na ako!"

"Oh! andiyan ka na pala. Tumawag nga pala ang kuya mo, baka daw maka-uwi siya sa darating na pasko"

"Ah mabuti naman, ang tagal na din hindi umuuwi ni kuya mula sa Canada"

"Hay! sana lang ina-alagaan ng kuya mo ang sarili niya"

"Wag ka na mag alala dun Ma, si kuya pa" Yinakap ko si Mama.

Mga alas onse ng umaga ay pumasok na ako sa trabaho ko. At siyempre maingay ulit dito sa cafe dahil karamihan mga bata ang mga nag lalaro.

Lumipas ang oras at natapos ang shift ko sa trabaho. Bigla nag ring ang cellphone ko, may tumatawag.

"Kimi to kata o kunde kimi to te o tsunaide koibito dattari tomodachi de itai kara ohayou tte itte...."
-ring tone ng cellphone

Sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

"Hi Neal"

"Lyra? Bakit ka napatawag?"

"Pwede ka ba pumunta dito sa bahay ngayon, kahit saglit lang?"

"Sa inyo? Ah sige"

Pag alis ko sa cafe pumunta agad ako kila Lyra.

"Tao po!"

"Neal! Pasok ka"

"Oh Lyra, bakit?"

"Pasensiya ka na at pina-punta pa kita dito sa bahay, may tanong lang kasi ako"

May inabot siya sakin na photo album.

"Teka, heto ba yung regalo ko sayo?"

Tumango siya.

"Bakit photo album ang regalo mo sa akin?"

"Para punuin ng masasayang alaala"

Nag ka ngitian kami pareho.

-end of chapter 7-


Song used in Neal's cellphone ringtone: "Ohayou" by Keno.

All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Thursday, May 26, 2011

Chapter 6 - Telepono

"Happy birthday Lyra!!!"

"Uy salamat at naka punta kayo lahat"

"Hehe! wala yun Lyra" Sagot ni Rona.

"Ronachiiii!" Sabay yakap ni Lyra kay Rona.

Kasama ko ngayon sila Dennis, Swakie at Rona sa bahay ni Lyra. Kaarawan ni Lyra ngayon at inimbitahan niya kami sa bahay nila para sa isang munting salu-salo para sa kanyang kaarawan.

"Happy birthday! heto regalo ko"

"Naku nag abala ka pa Neal! Bubuksan ko na ba ito?"

"Ikaw bahala"

"Hehe mamaya na lang" Sabay dila ni Lyra.

"Hoy Swakie! Na una ka pa kumain kaysa dun sa may kaarawan!" Singit ni Dennis.

"Hahaha! Naku wag na kayo mahiya, kumain lang kayo"

"Kita mo na Dennis! Salamat Lyra ang sarap ng mga putahe" Sagot ni Swakie.

At nag simula na nga kami mag party. Ilang saglit pa at dumating din ang ibang mga kaibigan ni Lyra.

"Hi Lyra! Happy birthday sweetie! here flowers for you"

"Thanks Garry!"

Bumulong si Rona kay Lyra.

"Girl sino yun?"

"Si Garry, friend ko mula sa cosplay community"

"Aahh..."

Kinagabihan at isa-isa na nag uwian ang mga kaibigan ni Lyra.

"Thanks Ly for inviting me"

"Sana nag enjoy ka Garry"

"Of course. Sige una na ako" Ngumiti siya.

Nasa may pinto ako noon at nung pa labas na si Garry na banga niya ako.

"Tug!"

"Sorry dude!"

"Ah! Ok lang.."

"Sige.."

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang maka-alis siya, Sumunod na din kami ng pa-alam kay Lyra.

"Uy Lyra, uwi na din kami"

"Ah sige Rona, I hope nag enjoy kayo"

"Wag ka mag alala na busog si Swakie" Singit ni Dennis.

"Hahahaha!" Nag tawanan kami.

Pag uwi ko ng bahay na isipan ko muna manood sa TV.


"Is your name Gaylord Focker, Yes or No?

"Yes"

"Are you a male nurse?"

"Yes"

Habang nanonood ako, biglang nag ring yung telepono namin sa bahay.

"Riiiiiing! Riiiiiiiiiiing!"

"Sino ba yan... Gabing gabi na..."

Sinagot ko yung tawag.

"Hello?"

"Neal?"

"Oh Swakie?"

"Sa isang linggo samahan mo ako..."

"Saan?"

"Anong saan? Doon..."

"Ah.. Sige..."

Matapos namin mag usap ni Swakie sa telepono ay na isipan ko na matulog. Habang pa punta ako sa kwarto ko biglang nag ring nanaman yung telepono.

"Riiiiiiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiing!"

Ano naman nakalimutan ni Swakie, Sinagot ko ang telepono.

"Oh ano nakalimutan mo Swakie??"

"Ah!"

"Hello? Sino ito?"

"Lyra..."

"Ah! naku... sorry akala ko si Swakie.."

"Naku pa tawad.. na istorbo ata kita.."

"Ah hindi.. bakit ka pala na pa tawag?"

"Ano kasi... Bukas sana... Kung pwede.. Samahan mo ako dito sa bahay, Aalis kasi ang mga magulang ko. Uuwi sila ng probinsiya at mag-isa lang ako maiiwan dito sa bahay... Hindi kasi ako sanay mag-isa dito sa bahay..."

"Eh? Hindi ata maganda kung lalaki ang sasama sayo, si Rona kaya?"

"Hindi siya pwede bukas... Aalis daw kasi sila.."

"Sorry Lyra... May trabaho kasi ako bukas kahit sabado"

"Sige.... Patawad ulit at na istorbo kita.."

Pag tapos tumawag ni Lyra ay na tulog na ako. Sinabi ko yun kay Lyra na may trabaho ako kahit wala naman talaga....

Kinabukasan nag punta lang ako kila Dennis para tumambay buong araw.

"Sige Dennis, Alas-diyes na pala. Na pasarap ang pag tambay ko dito hahaha! Uwi na ako"

"Sige tol!"

Habang nag lalakad ako pa uwi na alala ko bigla yung sinabi ni Lyra kagabi...

"Bukas sana... Kung pwede.. Samahan mo ako dito sa bahay..."

"Uuwi sila ng probinsiya at mag-isa lang ako maiiwan dito sa bahay..."

"Hindi kasi ako sanay mag-isa dito sa bahay..."


"Aaaaaah! Naku naman!"

Biglang na isipan ko puntahan si Lyra sa bahay nila.

"Tao po! Lyra!"

Lumabas si Lyra mula sa bahay nila.

"Neal?... Saglit bubuksan ko ang gate.."

Pinatuloy niya ako sa bahay nila.

"Ano kasi Lyra... Sige... Alis na lang ako...."

Paalis na ako at bigla niya hinawakan yung dulo ng damit ko.

"..............."

-end of of chapter 6-


The show Neal watching on the TV was 'Meet the parents'

All characters appearing in this work are fictitious , any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Chapter 5 - Laro

Isang linggo na ang lumipas noon umuwi kami ni pinsan mula sa Naga City.

Minsan na iisip ko kung pano kaya kung sa probinsya ako lumaki? Makikilala ko kaya sila Swakie,Dennis at Rona?

Siguro marunong din ako mangisda gaya ni Sara...

"Ang lalim ng iniisip ha?" Singit ni Swakie.

Nasa Mall nga pala kami ni Swakie...

"Tapos na tayo tumaya sa lotto, maka-uwi na nga"

"Oh? Kala ko mag lalaro pa tayo ng Dota?"

"Tinatamad na ako... Uwi na lang tayo..."

"Ano ba yan, Korni mo talaga!"

"Hay!... Sige na laro na tayo..."

"Yun! Tara doon sa 3rd floor may internet cafe doon"

Umakyat kami sa ikatlong palapag. Pag pasok namin sa internet cafe may mga nag lalaro ng Dota, Kinausap ni Swakie yung isa sa mga nag lalaro kung pwede kami sumali at pumayag naman sila.

"Ayos ito! palag palag nanaman tayo nito! hahahaha!"

"Ikaw lang na tutuwa Swakie"

"Manahimik ka na lang diyan at mag enjoy sa Dota"

At nag laro na nga kami ng Dota ni Swakie kasali yung ibang nag lalaro sa internet cafe. Biglang nag salita yung isa sa mga kalaban namin.

"Ay pota! Kakampi nga pala natin si Irish! Hahahaha"

Napa lingon ako kay Swakie.

"Top player nila babae?" Tanong ko kay Swakie.

"Ewan ko, Nasaan ba diyan?"

"Hindi ko matanaw, Nasa dulo ata na PC"

"Palag palag na lang, basta dapat tayo mag kasama sa isang lane"

"Sige"


Lumipas ang bente minutos na pag lalaro ng Dota...


"Takte Neal matatalo tayo nito, yung tatlo nating kakampi nag kakanya-kanya"

"Abang lang tayo"

Biglang sumigaw yung isa...

"Boom!! Huli nanaman ni mirana! IMBA ka talaga Irish!!"

"Irish is now GODLIKE!"

"Good game na tayo Swakie hahaha!"

"Punyemas talaga, kinain tayo nung mirana! Feeder kasi yung isa, kaasar lang!"

Na tapos ang laro at na talo ang grupo namin ni Swakie. Napansin ko tumayo yung naka upo sa dulo na PC, babae nga yung top player nila. Napa tingin siya sakin.

Parang nakita ko na siya dati....

"Uy!"

Nag suot siya ng salamin sa mata.

"Aaaaaaah! ikaw yun!"

"Oo! Oo! Ako yun sa coffee shop"

"IMBA ka pala mag Dota"

"Naku hindi naman, ikaw nga diyan magaling. Hindi nga kita maabangan kanina sa river hahaha!"

"Hahahaha!"

"Irish nga pala"

"Ah.. Ako si Neal"

Nakipag kamay siya at nakipag kamay din ako.

"Si Swakie nga pala kaibigan ko"

"Hi" Singit ni Swakie.

"Hello Swakie"

"Tara Irish nag text si uncle, hinahanap na tayo" Singit nung isa.

"Oh! wait cousin"

"Pinsan mo?"

"Oo. Uy paano nice meeting you ulit" Sabay ngiti niya.

"Ah sige. Nice meeting you too"

Umalis na sila Irish. Kami naman ni Swakie ay umuwi na din pag tapos. Habang nag lalakad kami ni Swakie malapit sa bahay...

"IMBA ka din talaga eh" Nag salita si Swakie

"Mas magaling yung gumagamit ng mirana"

"Hindi yun! IMBA ka dahil babae nanaman"

"Nge?"

"Nge ka diyan? Totoo naman eh. Ano sa tingin mo kay Eun?"

"Tama na...."

-end of chapter 5-



All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Wednesday, May 25, 2011

Chapter 4 - Ilog

Na gising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumingin ako sa orasan ko at 9:43am na pala, Nag ayos ako ng sarili at bumaba sa unang palapag at nandoon si Sara kumakain sa hapag-kainan.

"Magandang umaga!" bati ni Sara.

"Magandang umaga din. Ah.. Sara si kuya Dan?

"Na una na doon sa cafe, ang sarap daw kasi ng tulog mo kaya na una na sila ni kuya Jeric"

"Naku... Sige alis na ako sunod na ako sa kanila!"

Biglang humarang si Sara sa harapan ko.

"Oops! Teka lang, kumain ka muna. sayang naman yun linuto ko, hindi kasi na ubos nila kuya Jeric"

"Hay.."

Tumaas ang kilay ni Sara.

"Anong hay?"

"Sige na kakain na po..."

Na upo ako at kumain sa hapag-kainan. Meron tocino, daing na bangus, pritong itlog at sinangag na kanin. tinikman ko lahat ng putahe at masarap naman.

"Oh tapos ka na kumain Sara?"

"Oo, iwan mo na lang sa lababo sa kusina yung plato mo at ako na mag huhugas niyan"

Lumabas ng bahay si Sara, Habang ako pag tapos ko kumain linigpit ko na ang mga pagkain sa hapag-kainan. Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Sara sa hardin nila.

"Alam niyo mga halaman, mukang magiging maganda ang araw ngayon"

"Kinakausap na pala ang mga halaman ngayon?" singit ko.

"Aba oo naman! may buhay din sila noh!"

Napa-ngisi na lang ako.

"Kung maka tawa ka diyan..."

"Eh sa nakakatawa naman, hahaha!"

"Ang mean mo!"

"Hahahaha!"

Biglang nag ring ung cellphone ko. Sinilip ko, si kuya Dan? sinagot ko yung tawag.

"Hello? Kuya Dan?"

"Neal, nandito kami ngayon sa bilihan ng computer parts sa bayan. Bibili lang kami ni Jeric ng mga bagong piyesa ng mga computer, luma na kasi mga piyesa ng mga computer niya. Baka kasi sumunod ka sa cafe eh walang tao doon"

"Ah sige sige. kuya Dan ingat kayo"


"Uy nasan daw sila ni kuya Jeric?"

"Nasa bayan, bibili ng bagong piyesa ng mga computer. kaya walang tao sa cafe niyo"

"Ah ganon ba...."

Tumingin si Sara sa akin.

"Tara!"

"Tara saan?..."

"Doon sa dating ilog na pinupuntahan natin para mangisda, tutal hindi ka pa naman pupunta sa cafe"

Tumingin ako sa kanya.

"Dali na Neal!" Maligalig na ngiti ni Sara.

"Hay.. Sige na nga"

"Hahaha! Tara, kukunin ko lang yung pamingwit sa bodega"

"Sige, akyat lang ako sa taas. ayusin ko lang mga dadalahin ko"

Nag punta kami sa ilog na dati namin pinuntahan noon, Malinis ang ilog tila parang kahapon lang nandito kami nangingisda.

"Neal hindi ba ang sarap dito?"

"Anong sinarap ng ilog?"

Sumimangot si Sara.

"Hahahaha! Tara Sara mamingwit na tayo!"

Lumipas ang oras at kami ay namingwit ng isda.

"Kahit isang isda wala ako na huli. Badtrip!"

"Hahaha! kawawa naman ang batang maynila!"

"Sus!"

"Hahahaha!

Hindi namin na malayan ang oras at pa-gabi na pala. Bumalik na kami sa bahay nila Sara at nakabalik na sila pinsan at Jeric.

Mga alas-nuwebe ng gabi lumabas ako ng bahay nila at nakita ko si Sara sa duyan, naka upo siya at nag gigitara. Hindi niya ako napansin lumapit habang kumakanta siya...


"Today was gonna be the day but they'll never throw it back to you"
"By now you should've somehow realized what you're not to do"
"I don't believe that anybody feels the way I do about you now"
"And all the roads that lead you there were winding"
"And all the lights that light the way are blinding"
"There are many things that I would like to say to you"
"But I don't know how...."
"I said maybe"
"You're gonna be the one that saves me"
"And after all"
"You're my wonderwall..."
"I said maybe"
"You're gonna be the one that saves me"
"And after all"
"You're my wonderwall..."
"I said maybe"
"You're gonna be the one that saves me..."
"You're gonna be the one that saves me..."
"You're gonna be the one that saves me..."


"Clap! Clap! Clap!"

"Neal... Nandiyan ka pala..."

"Ayaw ko kasi matigil ang libreng concert"

"Ganun...."

Umupo ako sa tabi niya.

"Ang ganda ng mga bituin ngayon"

"Oo..."

Wala nag salita sa amin ni Sara. Lumipas ang sampung minuto...

"Neal.. Alam mo ba noon panahon na wala ka dito, may nakilala ako na lalake... mabait din at maloko tulad mo... linigawan niya ako"

"Pero hindi ko siya sinagot..."

"Klug!"

"Nakatulog ang batang maynila.. haha.."

Bumulong si Sara.

"Namumutan ta ka..."

"Kung tiga Maynila lang ako...."

-end of chapter 4-



Namumutan ta ka - Mahal kita

Song used in this chapter: Wonderwall by Oasis

All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.
Creative Commons License
I love you a thousand times by dexter64 is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.