Wednesday, May 25, 2011

Chapter 4 - Ilog

Na gising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumingin ako sa orasan ko at 9:43am na pala, Nag ayos ako ng sarili at bumaba sa unang palapag at nandoon si Sara kumakain sa hapag-kainan.

"Magandang umaga!" bati ni Sara.

"Magandang umaga din. Ah.. Sara si kuya Dan?

"Na una na doon sa cafe, ang sarap daw kasi ng tulog mo kaya na una na sila ni kuya Jeric"

"Naku... Sige alis na ako sunod na ako sa kanila!"

Biglang humarang si Sara sa harapan ko.

"Oops! Teka lang, kumain ka muna. sayang naman yun linuto ko, hindi kasi na ubos nila kuya Jeric"

"Hay.."

Tumaas ang kilay ni Sara.

"Anong hay?"

"Sige na kakain na po..."

Na upo ako at kumain sa hapag-kainan. Meron tocino, daing na bangus, pritong itlog at sinangag na kanin. tinikman ko lahat ng putahe at masarap naman.

"Oh tapos ka na kumain Sara?"

"Oo, iwan mo na lang sa lababo sa kusina yung plato mo at ako na mag huhugas niyan"

Lumabas ng bahay si Sara, Habang ako pag tapos ko kumain linigpit ko na ang mga pagkain sa hapag-kainan. Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Sara sa hardin nila.

"Alam niyo mga halaman, mukang magiging maganda ang araw ngayon"

"Kinakausap na pala ang mga halaman ngayon?" singit ko.

"Aba oo naman! may buhay din sila noh!"

Napa-ngisi na lang ako.

"Kung maka tawa ka diyan..."

"Eh sa nakakatawa naman, hahaha!"

"Ang mean mo!"

"Hahahaha!"

Biglang nag ring ung cellphone ko. Sinilip ko, si kuya Dan? sinagot ko yung tawag.

"Hello? Kuya Dan?"

"Neal, nandito kami ngayon sa bilihan ng computer parts sa bayan. Bibili lang kami ni Jeric ng mga bagong piyesa ng mga computer, luma na kasi mga piyesa ng mga computer niya. Baka kasi sumunod ka sa cafe eh walang tao doon"

"Ah sige sige. kuya Dan ingat kayo"


"Uy nasan daw sila ni kuya Jeric?"

"Nasa bayan, bibili ng bagong piyesa ng mga computer. kaya walang tao sa cafe niyo"

"Ah ganon ba...."

Tumingin si Sara sa akin.

"Tara!"

"Tara saan?..."

"Doon sa dating ilog na pinupuntahan natin para mangisda, tutal hindi ka pa naman pupunta sa cafe"

Tumingin ako sa kanya.

"Dali na Neal!" Maligalig na ngiti ni Sara.

"Hay.. Sige na nga"

"Hahaha! Tara, kukunin ko lang yung pamingwit sa bodega"

"Sige, akyat lang ako sa taas. ayusin ko lang mga dadalahin ko"

Nag punta kami sa ilog na dati namin pinuntahan noon, Malinis ang ilog tila parang kahapon lang nandito kami nangingisda.

"Neal hindi ba ang sarap dito?"

"Anong sinarap ng ilog?"

Sumimangot si Sara.

"Hahahaha! Tara Sara mamingwit na tayo!"

Lumipas ang oras at kami ay namingwit ng isda.

"Kahit isang isda wala ako na huli. Badtrip!"

"Hahaha! kawawa naman ang batang maynila!"

"Sus!"

"Hahahaha!

Hindi namin na malayan ang oras at pa-gabi na pala. Bumalik na kami sa bahay nila Sara at nakabalik na sila pinsan at Jeric.

Mga alas-nuwebe ng gabi lumabas ako ng bahay nila at nakita ko si Sara sa duyan, naka upo siya at nag gigitara. Hindi niya ako napansin lumapit habang kumakanta siya...


"Today was gonna be the day but they'll never throw it back to you"
"By now you should've somehow realized what you're not to do"
"I don't believe that anybody feels the way I do about you now"
"And all the roads that lead you there were winding"
"And all the lights that light the way are blinding"
"There are many things that I would like to say to you"
"But I don't know how...."
"I said maybe"
"You're gonna be the one that saves me"
"And after all"
"You're my wonderwall..."
"I said maybe"
"You're gonna be the one that saves me"
"And after all"
"You're my wonderwall..."
"I said maybe"
"You're gonna be the one that saves me..."
"You're gonna be the one that saves me..."
"You're gonna be the one that saves me..."


"Clap! Clap! Clap!"

"Neal... Nandiyan ka pala..."

"Ayaw ko kasi matigil ang libreng concert"

"Ganun...."

Umupo ako sa tabi niya.

"Ang ganda ng mga bituin ngayon"

"Oo..."

Wala nag salita sa amin ni Sara. Lumipas ang sampung minuto...

"Neal.. Alam mo ba noon panahon na wala ka dito, may nakilala ako na lalake... mabait din at maloko tulad mo... linigawan niya ako"

"Pero hindi ko siya sinagot..."

"Klug!"

"Nakatulog ang batang maynila.. haha.."

Bumulong si Sara.

"Namumutan ta ka..."

"Kung tiga Maynila lang ako...."

-end of chapter 4-



Namumutan ta ka - Mahal kita

Song used in this chapter: Wonderwall by Oasis

All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

No comments:

Post a Comment

Creative Commons License
I love you a thousand times by dexter64 is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.