Monday, May 30, 2011

Chapter 8 - Bulong

"Kuya!....."

"Kuya!.... Kuya!....."

"Ha?... Ay sorry... Pa-print ba?"

Badtrip nakatulog ako habang bantay sa cafe. Bakit nga ba ako na puyat?...

*Flashback*


"Dennis! Hoy! Ano ba ginagawa natin dito?..."

"Aba siyempre mag hahanap ng chick! Alam mo naman ako, single na ulit haha!"

"Chick? dito sa internet cafe? ayus ka din eh haha!"

"Ganun talaga parekoy! iba na pag gamer ang shota mo, lagi ka may ka laro! haha!"

"Utak mo..."

"Neal, ikaw nag iisip ng may malisya diyan. Hahaha!"

"Bahala ka nga, mag lalaro na lang ako ng Dota"

"Uy teka-teka sali naman ako diyan"

"Oh sige"

"Turuan mo nga pala ako" Sabay ngiti ni Dennis.

"Kita mo na, mag hahanap daw ng chick na gamer siya pala itong hindi marunong mag laro. bwisit lang eh hahaha!"

"Haha! oh pano, game na"

"Sige na, sige na"

At nag laro na nga kami ni Dennis.

"Aaaaaargh! bakit ganun, hindi ko makuha mag last hit!" Sambit ni Dennis.

"Slow hands!" Sabay tawa ko.

Biglang may bumulong sa tenga ko.

"So... mabilis ang kamay mo?"

Kinilabutan ako sa narinig ko, napa-lingon ako kung sino yun.

"I.. Irish?"

"Kamusta?"

Bumulong ulit si Irish.

"Bakit ka namumula?" Na tatawa niyang sinabi.

"Ah.. Ano..."

Ngumiti siya.

"Pwede ba sumali?"

"Ah.. Sige?"

Umalis si Irish at pumunta sa counter ng cafe upang mag rent ng PC.

"Teka parekoy! Sino yun? Cute eh!"

"Kaibigan lang"

"Sus.. Pangalan tinatanong ko!"

"Hahaha! Si Irish"

"Irish... Hmmm.."

"Bakit ganyan ka maka-tingin Dennis?"

"Yan yung mga tipo ko parekoy!"

"Hey! Game?" Sigaw ni Irish sa kabilang PC.

"Sige!" Sagot ko.

Lumipas ang oras na kasama namin mag laro ng Dota si Irish, Hindi namin na malayan na alas-dose na ng umaga. Kami na lang pala ang tao sa cafe.

"Mga bossing closing time na kami!" Sigaw nung bantay ng cafe.

"Tayo na lang pala nandito"

"Hahaha! oo nga eh" Sagot ni Irish.

"Tara" Singit ni Dennis.

Uuwi na sana kami ni Dennis pero biglang nagyaya si Irish...

"Dota pa?"

"Oh Neal, Dota pa daw. Haha!" Singit ni Dennis.

"Ha? Alas-dose pasado na"

"Joke lang, Doon tayo sa bahay. Tamabay lang" Sagot ni Irish.

Hindi ko alam kung bakit pero na isipan na lang namin ni Dennis sumama papunta bahay ni Irish.

Malaki ang bahay nila Irish. Ito yung tipo ng mga bahay na makikita mo sa mga mamahaling subdivision.

"Pasok kayo"

"Mayaman pala kayo?"

"Hindi naman, bahay ito ng lola ko. Nasa probinsiya na kasi si lola kaya kami na ang nakatira dito"

"Ikaw lang nakatira dito?" Singit ni Dennis.

"Hindi, kasama ko pinsan ko dito. Oh pano inom tayo?"

"Tara! Tara!" Sagot ni Dennis.

At nag simula na kami mag inuman nila Dennis at Irish. Nag kwentuhan lang kami tungkol sa Dota, Pakiramdam ko parang nangyari na ito dati. Biglang nag ring ung cellphone ko at sinagot ko.

"Ma?!"

"Ikaw bata ka! Ano sa tingin mo ang oras na?! May pasok ka pa bukas! Mahiya ka sa uncle mo!"

Biglang na tawa si Irish.

"Anak ano yun naririnig ko na tawa diyan? Babae ba yun?! Umuwi ka na!!" Sabay baba ng tawag.

"Hahahaha!" Tawa ng tawa si Irish.

"Hoy Dennis! Hoy! Tara na uwi na tayo! Bad trip naka tulog pa ang mokong"

"Mama's boy ka pala" Sabay tawa ni Irish.

"Ako? Tumigil ka nga"

"Na mumula ka! Hahahaha! Oo na lang Neal"

Lasing na ako kaya hindi ko na gaano alam yung mga sinasabi ko. At dahil tulog na si Dennis kumuha na lang kami ng taxi para maka-uwi. Pa sakay na ako ng taxi biglang lumapit si Irish at may binulong..

"Next time mag paalam ka mama's boy!"


"Kuya!...."

"Kuya! Pa scan po nito!"

"Ha?.... Ay....."

Nakatulog nanaman ako. Hay... Na alala ko na kung bakit ako na puyat...

-end of chapter 8-


All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Saturday, May 28, 2011

Chapter 7 - Photo Album

Na gising ako sa lamig ng panahon, at na isipan ko muna pumunta sa banyo.

Pag bukas ko ng pinto ng banyo.

"Queek!"

Nag ka-titigan kami ni Lyra, naliligo siya...

"Lyr-"

Nagulat siya at namula ang mukha niya.

"Ne-.. Anong ginagawa mooo!!!"

Dali-dali ako umalis sa banyo. Na gising ang utak ko, Shit! nasa bahay nga pala ako ni Lyra.. Dito nga pala ako na tulog.

At nung habang nag aalmusal kami...

"Lyra.. pasensiya na kanina, nakalimutan ko nasa bahay niyo nga pala ako.."

"Ok..."

"Sorry talaga..."

"It's also my fault, didn't lock the door well.."

"Wag ka mag alala mag lalasing na lang ako para makalimot ako. Hahahaha!"

Ngumiti siya.

"Ang korni mo"

"Alam ko. Hahaha!"

Pag tapos namin mag almusal ay nag paalam na ako kay Lyra na uuwi na ako.

"Sige Lyra kailang na umuwi, hanap na ni ermats hehe"

"Sige Neal, Salamat nga pala at sinamahan mo ako"

"Wala yun"

"Wala yun kasi may nakita ka naman noh? Haha!"

"Loko! Haha!"

At umuwi na nga ako ng bahay.

"Ma! naka uwi na ako!"

"Oh! andiyan ka na pala. Tumawag nga pala ang kuya mo, baka daw maka-uwi siya sa darating na pasko"

"Ah mabuti naman, ang tagal na din hindi umuuwi ni kuya mula sa Canada"

"Hay! sana lang ina-alagaan ng kuya mo ang sarili niya"

"Wag ka na mag alala dun Ma, si kuya pa" Yinakap ko si Mama.

Mga alas onse ng umaga ay pumasok na ako sa trabaho ko. At siyempre maingay ulit dito sa cafe dahil karamihan mga bata ang mga nag lalaro.

Lumipas ang oras at natapos ang shift ko sa trabaho. Bigla nag ring ang cellphone ko, may tumatawag.

"Kimi to kata o kunde kimi to te o tsunaide koibito dattari tomodachi de itai kara ohayou tte itte...."
-ring tone ng cellphone

Sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

"Hi Neal"

"Lyra? Bakit ka napatawag?"

"Pwede ka ba pumunta dito sa bahay ngayon, kahit saglit lang?"

"Sa inyo? Ah sige"

Pag alis ko sa cafe pumunta agad ako kila Lyra.

"Tao po!"

"Neal! Pasok ka"

"Oh Lyra, bakit?"

"Pasensiya ka na at pina-punta pa kita dito sa bahay, may tanong lang kasi ako"

May inabot siya sakin na photo album.

"Teka, heto ba yung regalo ko sayo?"

Tumango siya.

"Bakit photo album ang regalo mo sa akin?"

"Para punuin ng masasayang alaala"

Nag ka ngitian kami pareho.

-end of chapter 7-


Song used in Neal's cellphone ringtone: "Ohayou" by Keno.

All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Thursday, May 26, 2011

Chapter 6 - Telepono

"Happy birthday Lyra!!!"

"Uy salamat at naka punta kayo lahat"

"Hehe! wala yun Lyra" Sagot ni Rona.

"Ronachiiii!" Sabay yakap ni Lyra kay Rona.

Kasama ko ngayon sila Dennis, Swakie at Rona sa bahay ni Lyra. Kaarawan ni Lyra ngayon at inimbitahan niya kami sa bahay nila para sa isang munting salu-salo para sa kanyang kaarawan.

"Happy birthday! heto regalo ko"

"Naku nag abala ka pa Neal! Bubuksan ko na ba ito?"

"Ikaw bahala"

"Hehe mamaya na lang" Sabay dila ni Lyra.

"Hoy Swakie! Na una ka pa kumain kaysa dun sa may kaarawan!" Singit ni Dennis.

"Hahaha! Naku wag na kayo mahiya, kumain lang kayo"

"Kita mo na Dennis! Salamat Lyra ang sarap ng mga putahe" Sagot ni Swakie.

At nag simula na nga kami mag party. Ilang saglit pa at dumating din ang ibang mga kaibigan ni Lyra.

"Hi Lyra! Happy birthday sweetie! here flowers for you"

"Thanks Garry!"

Bumulong si Rona kay Lyra.

"Girl sino yun?"

"Si Garry, friend ko mula sa cosplay community"

"Aahh..."

Kinagabihan at isa-isa na nag uwian ang mga kaibigan ni Lyra.

"Thanks Ly for inviting me"

"Sana nag enjoy ka Garry"

"Of course. Sige una na ako" Ngumiti siya.

Nasa may pinto ako noon at nung pa labas na si Garry na banga niya ako.

"Tug!"

"Sorry dude!"

"Ah! Ok lang.."

"Sige.."

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang maka-alis siya, Sumunod na din kami ng pa-alam kay Lyra.

"Uy Lyra, uwi na din kami"

"Ah sige Rona, I hope nag enjoy kayo"

"Wag ka mag alala na busog si Swakie" Singit ni Dennis.

"Hahahaha!" Nag tawanan kami.

Pag uwi ko ng bahay na isipan ko muna manood sa TV.


"Is your name Gaylord Focker, Yes or No?

"Yes"

"Are you a male nurse?"

"Yes"

Habang nanonood ako, biglang nag ring yung telepono namin sa bahay.

"Riiiiiing! Riiiiiiiiiiing!"

"Sino ba yan... Gabing gabi na..."

Sinagot ko yung tawag.

"Hello?"

"Neal?"

"Oh Swakie?"

"Sa isang linggo samahan mo ako..."

"Saan?"

"Anong saan? Doon..."

"Ah.. Sige..."

Matapos namin mag usap ni Swakie sa telepono ay na isipan ko na matulog. Habang pa punta ako sa kwarto ko biglang nag ring nanaman yung telepono.

"Riiiiiiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiing!"

Ano naman nakalimutan ni Swakie, Sinagot ko ang telepono.

"Oh ano nakalimutan mo Swakie??"

"Ah!"

"Hello? Sino ito?"

"Lyra..."

"Ah! naku... sorry akala ko si Swakie.."

"Naku pa tawad.. na istorbo ata kita.."

"Ah hindi.. bakit ka pala na pa tawag?"

"Ano kasi... Bukas sana... Kung pwede.. Samahan mo ako dito sa bahay, Aalis kasi ang mga magulang ko. Uuwi sila ng probinsiya at mag-isa lang ako maiiwan dito sa bahay... Hindi kasi ako sanay mag-isa dito sa bahay..."

"Eh? Hindi ata maganda kung lalaki ang sasama sayo, si Rona kaya?"

"Hindi siya pwede bukas... Aalis daw kasi sila.."

"Sorry Lyra... May trabaho kasi ako bukas kahit sabado"

"Sige.... Patawad ulit at na istorbo kita.."

Pag tapos tumawag ni Lyra ay na tulog na ako. Sinabi ko yun kay Lyra na may trabaho ako kahit wala naman talaga....

Kinabukasan nag punta lang ako kila Dennis para tumambay buong araw.

"Sige Dennis, Alas-diyes na pala. Na pasarap ang pag tambay ko dito hahaha! Uwi na ako"

"Sige tol!"

Habang nag lalakad ako pa uwi na alala ko bigla yung sinabi ni Lyra kagabi...

"Bukas sana... Kung pwede.. Samahan mo ako dito sa bahay..."

"Uuwi sila ng probinsiya at mag-isa lang ako maiiwan dito sa bahay..."

"Hindi kasi ako sanay mag-isa dito sa bahay..."


"Aaaaaah! Naku naman!"

Biglang na isipan ko puntahan si Lyra sa bahay nila.

"Tao po! Lyra!"

Lumabas si Lyra mula sa bahay nila.

"Neal?... Saglit bubuksan ko ang gate.."

Pinatuloy niya ako sa bahay nila.

"Ano kasi Lyra... Sige... Alis na lang ako...."

Paalis na ako at bigla niya hinawakan yung dulo ng damit ko.

"..............."

-end of of chapter 6-


The show Neal watching on the TV was 'Meet the parents'

All characters appearing in this work are fictitious , any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Chapter 5 - Laro

Isang linggo na ang lumipas noon umuwi kami ni pinsan mula sa Naga City.

Minsan na iisip ko kung pano kaya kung sa probinsya ako lumaki? Makikilala ko kaya sila Swakie,Dennis at Rona?

Siguro marunong din ako mangisda gaya ni Sara...

"Ang lalim ng iniisip ha?" Singit ni Swakie.

Nasa Mall nga pala kami ni Swakie...

"Tapos na tayo tumaya sa lotto, maka-uwi na nga"

"Oh? Kala ko mag lalaro pa tayo ng Dota?"

"Tinatamad na ako... Uwi na lang tayo..."

"Ano ba yan, Korni mo talaga!"

"Hay!... Sige na laro na tayo..."

"Yun! Tara doon sa 3rd floor may internet cafe doon"

Umakyat kami sa ikatlong palapag. Pag pasok namin sa internet cafe may mga nag lalaro ng Dota, Kinausap ni Swakie yung isa sa mga nag lalaro kung pwede kami sumali at pumayag naman sila.

"Ayos ito! palag palag nanaman tayo nito! hahahaha!"

"Ikaw lang na tutuwa Swakie"

"Manahimik ka na lang diyan at mag enjoy sa Dota"

At nag laro na nga kami ng Dota ni Swakie kasali yung ibang nag lalaro sa internet cafe. Biglang nag salita yung isa sa mga kalaban namin.

"Ay pota! Kakampi nga pala natin si Irish! Hahahaha"

Napa lingon ako kay Swakie.

"Top player nila babae?" Tanong ko kay Swakie.

"Ewan ko, Nasaan ba diyan?"

"Hindi ko matanaw, Nasa dulo ata na PC"

"Palag palag na lang, basta dapat tayo mag kasama sa isang lane"

"Sige"


Lumipas ang bente minutos na pag lalaro ng Dota...


"Takte Neal matatalo tayo nito, yung tatlo nating kakampi nag kakanya-kanya"

"Abang lang tayo"

Biglang sumigaw yung isa...

"Boom!! Huli nanaman ni mirana! IMBA ka talaga Irish!!"

"Irish is now GODLIKE!"

"Good game na tayo Swakie hahaha!"

"Punyemas talaga, kinain tayo nung mirana! Feeder kasi yung isa, kaasar lang!"

Na tapos ang laro at na talo ang grupo namin ni Swakie. Napansin ko tumayo yung naka upo sa dulo na PC, babae nga yung top player nila. Napa tingin siya sakin.

Parang nakita ko na siya dati....

"Uy!"

Nag suot siya ng salamin sa mata.

"Aaaaaaah! ikaw yun!"

"Oo! Oo! Ako yun sa coffee shop"

"IMBA ka pala mag Dota"

"Naku hindi naman, ikaw nga diyan magaling. Hindi nga kita maabangan kanina sa river hahaha!"

"Hahahaha!"

"Irish nga pala"

"Ah.. Ako si Neal"

Nakipag kamay siya at nakipag kamay din ako.

"Si Swakie nga pala kaibigan ko"

"Hi" Singit ni Swakie.

"Hello Swakie"

"Tara Irish nag text si uncle, hinahanap na tayo" Singit nung isa.

"Oh! wait cousin"

"Pinsan mo?"

"Oo. Uy paano nice meeting you ulit" Sabay ngiti niya.

"Ah sige. Nice meeting you too"

Umalis na sila Irish. Kami naman ni Swakie ay umuwi na din pag tapos. Habang nag lalakad kami ni Swakie malapit sa bahay...

"IMBA ka din talaga eh" Nag salita si Swakie

"Mas magaling yung gumagamit ng mirana"

"Hindi yun! IMBA ka dahil babae nanaman"

"Nge?"

"Nge ka diyan? Totoo naman eh. Ano sa tingin mo kay Eun?"

"Tama na...."

-end of chapter 5-



All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Wednesday, May 25, 2011

Chapter 4 - Ilog

Na gising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumingin ako sa orasan ko at 9:43am na pala, Nag ayos ako ng sarili at bumaba sa unang palapag at nandoon si Sara kumakain sa hapag-kainan.

"Magandang umaga!" bati ni Sara.

"Magandang umaga din. Ah.. Sara si kuya Dan?

"Na una na doon sa cafe, ang sarap daw kasi ng tulog mo kaya na una na sila ni kuya Jeric"

"Naku... Sige alis na ako sunod na ako sa kanila!"

Biglang humarang si Sara sa harapan ko.

"Oops! Teka lang, kumain ka muna. sayang naman yun linuto ko, hindi kasi na ubos nila kuya Jeric"

"Hay.."

Tumaas ang kilay ni Sara.

"Anong hay?"

"Sige na kakain na po..."

Na upo ako at kumain sa hapag-kainan. Meron tocino, daing na bangus, pritong itlog at sinangag na kanin. tinikman ko lahat ng putahe at masarap naman.

"Oh tapos ka na kumain Sara?"

"Oo, iwan mo na lang sa lababo sa kusina yung plato mo at ako na mag huhugas niyan"

Lumabas ng bahay si Sara, Habang ako pag tapos ko kumain linigpit ko na ang mga pagkain sa hapag-kainan. Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Sara sa hardin nila.

"Alam niyo mga halaman, mukang magiging maganda ang araw ngayon"

"Kinakausap na pala ang mga halaman ngayon?" singit ko.

"Aba oo naman! may buhay din sila noh!"

Napa-ngisi na lang ako.

"Kung maka tawa ka diyan..."

"Eh sa nakakatawa naman, hahaha!"

"Ang mean mo!"

"Hahahaha!"

Biglang nag ring ung cellphone ko. Sinilip ko, si kuya Dan? sinagot ko yung tawag.

"Hello? Kuya Dan?"

"Neal, nandito kami ngayon sa bilihan ng computer parts sa bayan. Bibili lang kami ni Jeric ng mga bagong piyesa ng mga computer, luma na kasi mga piyesa ng mga computer niya. Baka kasi sumunod ka sa cafe eh walang tao doon"

"Ah sige sige. kuya Dan ingat kayo"


"Uy nasan daw sila ni kuya Jeric?"

"Nasa bayan, bibili ng bagong piyesa ng mga computer. kaya walang tao sa cafe niyo"

"Ah ganon ba...."

Tumingin si Sara sa akin.

"Tara!"

"Tara saan?..."

"Doon sa dating ilog na pinupuntahan natin para mangisda, tutal hindi ka pa naman pupunta sa cafe"

Tumingin ako sa kanya.

"Dali na Neal!" Maligalig na ngiti ni Sara.

"Hay.. Sige na nga"

"Hahaha! Tara, kukunin ko lang yung pamingwit sa bodega"

"Sige, akyat lang ako sa taas. ayusin ko lang mga dadalahin ko"

Nag punta kami sa ilog na dati namin pinuntahan noon, Malinis ang ilog tila parang kahapon lang nandito kami nangingisda.

"Neal hindi ba ang sarap dito?"

"Anong sinarap ng ilog?"

Sumimangot si Sara.

"Hahahaha! Tara Sara mamingwit na tayo!"

Lumipas ang oras at kami ay namingwit ng isda.

"Kahit isang isda wala ako na huli. Badtrip!"

"Hahaha! kawawa naman ang batang maynila!"

"Sus!"

"Hahahaha!

Hindi namin na malayan ang oras at pa-gabi na pala. Bumalik na kami sa bahay nila Sara at nakabalik na sila pinsan at Jeric.

Mga alas-nuwebe ng gabi lumabas ako ng bahay nila at nakita ko si Sara sa duyan, naka upo siya at nag gigitara. Hindi niya ako napansin lumapit habang kumakanta siya...


"Today was gonna be the day but they'll never throw it back to you"
"By now you should've somehow realized what you're not to do"
"I don't believe that anybody feels the way I do about you now"
"And all the roads that lead you there were winding"
"And all the lights that light the way are blinding"
"There are many things that I would like to say to you"
"But I don't know how...."
"I said maybe"
"You're gonna be the one that saves me"
"And after all"
"You're my wonderwall..."
"I said maybe"
"You're gonna be the one that saves me"
"And after all"
"You're my wonderwall..."
"I said maybe"
"You're gonna be the one that saves me..."
"You're gonna be the one that saves me..."
"You're gonna be the one that saves me..."


"Clap! Clap! Clap!"

"Neal... Nandiyan ka pala..."

"Ayaw ko kasi matigil ang libreng concert"

"Ganun...."

Umupo ako sa tabi niya.

"Ang ganda ng mga bituin ngayon"

"Oo..."

Wala nag salita sa amin ni Sara. Lumipas ang sampung minuto...

"Neal.. Alam mo ba noon panahon na wala ka dito, may nakilala ako na lalake... mabait din at maloko tulad mo... linigawan niya ako"

"Pero hindi ko siya sinagot..."

"Klug!"

"Nakatulog ang batang maynila.. haha.."

Bumulong si Sara.

"Namumutan ta ka..."

"Kung tiga Maynila lang ako...."

-end of chapter 4-



Namumutan ta ka - Mahal kita

Song used in this chapter: Wonderwall by Oasis

All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Tuesday, May 24, 2011

Chapter 3 - Bituin

Panahon na ulit ng tag-ulan at papunta kami ngayon ng pinsan ko sa Naga City, Sumama ako para tulungan ang aking pinsan mag ayos ng mga computer sa internet cafe ng kaibigan niya. Mga sampung oras ang biyahe mula Maynila, komportable naman yung biyahe kahit matagal.

"Kuya Dan, Nandito na tayo sa terminal"

"Ha?... Napasarap pala tulog ko..."

"Hahaha, Baba na tayo ng bus"

Hindi ito ang unang beses na pumunta kami ng pinsan ko sa Naga City, Noon nakaraan taon nag punta na din kami dito upang tumulong sa pag bubukas ng internet cafe ng kaibigan niya.

"Tara Neal mag lakad na lang tayo papunta kila Jeric para mabinat naman ang mga paa natin, Sampung oras din tayo naka-upo sa bus. Kahit sabihin mo pa na may stop over para mag stretching"

Tumango ako at sinimulan ko na bitbitin ang mga gamit namin, Dumating din kami sa bahay nila Jeric makalipas ang kinse minutos na pag lalakad.

"Tao po! Jeric! Jeric!"

Walang sumasagot sa mula sa bahay nila Jeric.

"Wala ata sila kuya Dan.."

"Ay Fiesta nga pala ngayon!"

Dito sa Naga City may tinatawag na Peñafrancia festival kung saan nag pruprusisyon ang mga deboto dala ang imahe ng Lady of Peñafrancia at Divino Rosto ng naka-yapak, Nag punta kami sa bayan at doon madaming tao sa labas ng kalye pinapanuod ang prusisyon.

Natapos dumaan ang prusisyon at kami naman ni pinsan ay naisipan pumunta sa Mall ng siyudad upang mag tanghalian, Matapos namin kumain ay bumalik na ulit kami sa bahay nila Jeric.

"Mukang may tao na kuya Dan"

"Oo nga. Tao po! Jeric?!"

May lumabas na lalake sa pinto.

"Uy! Kayo pala Dan! Saglit at bubuksan ko ang gate"

Pinatuloy kami ni Jeric sa bahay nila.

"Ang ganda na ng bahay niyo Jeric, Iba na talaga ang negosyante"

"Hahahaha! Ikaw talaga Dan, Salamat sa iyo at nasimulan ko buksan yung internet cafe ko"

Nag kwentuhan lang sila kuya Dan at Jeric habang ako naman nag aayos ng mga gamit namin sa ikalawang palapag na kwarto kung saan kami matutulog ni pinsan.

Maya pa at may narinig ako sa ibaba...

"Oh! Sara kamusta tagal natin hindi nag kita!"

"Kuya Dan!!"

Si Sara?...

Dumungaw ako sa hagdan papunta sa unang palapag at nagka-titigan kami...

"Neal?"

"Kamusta Sara, May boyfriend na?"

"Sira boyfriend ka diyan!"

"Hahaha!"

Pareho kami nag tawanan, Biglang nag salita si Jeric mula sa ika-unang palapag.

"Sara bumaba na kayo dito at mag merienda!"

"Opo kuya Jeric!"


"Si kuya talaga hindi na nag bago"

"Bakit mo na sabi?" Tanong ko kay Sara.

"Lagi na lang wrong timing"

"Wrong timi-"

"Halika na bumaba na muna tayo, mamaya ka na mag ayos ng mga gamit niyo"

Bumaba kami ni Sara hawak-hawak niya ang kamay ko.

Kina-gabihan habang naka-upo ako sa sahig ng balkonahe sinilip ko ang cellphone ko. May isang mensahe at binuksan ko.

"Good night!"
-Rona

"Good night din"
-reply ko

May biglang sumitsit sa likod ko.

"Gabi na ano ginagawa mo diyan?"

"Ikaw pala Sara... Heto sinisilip ang mga bituin sa kalangitan"

"Kamusta nga pala sa Maynila?"

"Ok lang, trapik parin ang mga lansangan. Hahaha!"


Umupo siya at sumandal sa likuran ko.

"Neal, ang tagal na noon huli tayo nanood ng mga bituin sa kalangitan....."

-end of chapter 3-



All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Monday, May 23, 2011

Chapter 2 - Inumin

Tumingin ako sa kalindaryo ng computer, Biyernes nga pala ngayon. Ano kaya magandang gawin mamaya pag tapos ng shift ko dito sa internet cafe?

"Kuya extend pa isang oras sa number 14!" sigaw ng isang customer.

"Ok!"

Dinagdagan ko ng isang oras ang kanyang computer rent. Hay wala nanaman magawa, makapag log-in nga sa yahoo messenger ko.

"cli-cli-click. tik"

Biglang may nag pop-up na window pag ka log-in ko.

"Lyra Quimbao wants to add you"
"Accept or Decline"

Teka, si Lyra nung linggo? Pinindot ko agad ung accept at tinignan ko agad kung online siya.

"Lyra Quimbao - Offline"

Biglang may nag pop-up ulit na chat box window.

"Hi!"

"Lyra?"

"Yup!"

"Teka offline ka ha?"

"Naka invisible lang hehe"

"Bakit? Madaming fans? hahaha!"

"Fans ka diyan, Wala noh!"

"Hahahaha!

"Salamat nga pala nung linggo, cge out na ako ^_~"

Pagka-tapos namin ni Lyra mag chat sa yahoo messenger nag log-out na din ako. Lumipas ang oras at na tapos din ang shift ko, Habang nag a-ayos ako ng gamit ko sa ikalawang palapag nakita ako ni uncle.

"Oh, pa-uwi ka na?"

"Ah opo uncle"

"Sabi nga pala ni Dan baka pumunta daw ulit kayo ng Naga"

"Ganun po ba, Sige ho handa naman ako kung kailan yun. Pano po uwi na ako"

"Sige ingat"

Nasa jeep na ako pa uwi pero na isipan ko muna dumaan sa Mall na malapit tutal Biyernes naman.

Nag punta ako sa isang coffee shop at umorder ng isang Mocha Frappuccino, Dala ang kape ko dali-dali ako pumunta sa bakanteng mesa dahil yun na lang ang bakanteng pwesto sa dami ng tao sa coffee shop.

"Ah!"

Nag ka tinginan kami nang isang babae, papunta din pala siya dun sa bakanteng pwesto.

"Naku pasensya ka na"

"Hindi, ikaw na ma-upo diyan miss"

"Ah! hindi! nakakahiya naman..."

Bigla ko na pansin nakatingin na sa amin yung ibang customers ng coffee shop.

"Sa tingin ko mas ok kung ma-upo na lang tayo pareho"

Napangiti na lang siya at umupo na kami pareho. Kaparehas ko lang siya ng tangkad at naka salamin siya, Nag salita siya bigla.

"Salamat nga pala"

"Wala yun" Nahihiyang sagot ko.

Na tahimik kami pag tapos nung maiklit usapan, Tahimik niya ininom ang kape niya at nung nasa kalahati na yung kape niya nag salita ulit siya.

"Sige ha salamat, Una na ako"

"Ah, Sige"

Tinignan ko lang siya hanggang maka-alis siya sa coffee shop. Inubos ko na din yung kape ko at nag pasiya na din ako umuwi ng bahay. Habang nag lalakad ako pa uwi tinignang ko yung cellphone ko.

"Ay, naka off nga pala"

Binuksan ko ang cellphone ko.

"Oops! 12 messages, sino kaya ito?"

"Uy si Dennis?"

"Tol pwede ka ba ngayon gabi? Inom tayo..."
-dennis

"Uy tol pasensiya ka na, ngayon ko lang na alala buksan yung cellphone ko. saglit lang at dadaan ako sa inyo"
-reply ko

Pumunta agad ako sa bahay nila Dennis at pag dating ko doon nandoon din pala si Rona.

"Tol heto" Sabay abot ng isang bote ng beer sakin ni Dennis.

Na upo ako at napatingin kay Rona, Nag salita si Dennis.

"Ang sakit tol! Ang sakit! 3years na kami tapos ganun na lang?! TANG INA!"

"Eh ano ngayon kung nasa Cebu na siya? PUTANG INA TALAGA!" Ma-iyak iyak na sinabi ni Dennis.

Bumuhos ang luha ni Dennis, Yinakap siya ni Rona.

Lumipas ang oras at naka tulog na sa ka-lasingan si Dennis, ako naman medyo may tama na din ng alak. Dinala namin ni Rona si Dennis sa kwarto niya at hinayaan makatulog, Nag linis kami ng mga kalat galing sa inuman namin at pag tapos nito ay sabay na kami umuwi ni Rona.

Nag lalakad kami pa uwi ng bahay nila Rona at bigla siya nag salita.

"Nakakatakot ba ang pag-ibig?"

"Huh?"

"Nalulungkot lang ako para sa kaibigan natin... Hindi ba ang pag-ibig ay isang masayang bagay?"

Hindi ko masagot si Rona, Kahit gusto ko siya sagutin sa tanong niya.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Tara na..."

-end of chapter 2-



All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

Chapter 1 - Hula

"Riiiiiiiiing! Riiiiiiiiiing!"

Na gising ako sa ingay ng alarm clock.

"Hala! 8am na pala"

Dali-dali akong nag punta sa banyo upang maligo.

Ako nga pala si Neal isang ordinaryo na teenager.

Mahilig ako sa mga anime, video games at kung ano-ano pa.

Hindi na ako nag aaral, sa murang edad ako'y nag tratrabaho na sa isang internet cafe ng uncle ko. At minsan na din ako nangarap maging isang comic artist...


"Squeak!"

Sa pag patay ko ng shower unti-unting tumigil ang tubig galing dito. Lumabas na ako ng banyo at nag bihis at kumain.

Habang kumakain biglang tumunog ang cellphone ko.

"Kimi to kata o kunde kimi to te o tsunaide koibito dattari tomodachi de itai kara ohayou tte itte...."
-ring tone ng cellphone

Hmm? May nag text, pag silip ko sa message.

"Hoy anong oras na! asan ka nanaman kupal?"
-swakie

Eck! si Swakie, Nag hihintay na ang tropa. Patay na hahaha! maka-alis na nga, Pag labas ko ng bahay nakita ako ni mama habang siya ay nag didilig ng mga halaman.

"At saan ka nanaman pupunta?"

"Diyan lang po sa tabi-tabi hahaha!"

"Anong diyan lng? hoy bata ka!"

"Cge ma, bye!"

Dali-dali akong tumakbo pa labas ng bahay at sumakay ng jeep papuntang terminal ng Mrt, Habang nakasakay ako sa Mrt may na kita akong maliit na babae short hair at maputi.

Ang cute naman niya hula ko cosplayer siya, Parang nakita ko na siya dati.

Tumigil ang tren sa Shaw Boulevard station at bumaba na din ako at nag lakad pa tungo sa SM Megamall.

Tumungo ako sa Megatrade Hall B at sa labas nito doon nag hihintay sila Swakie, Rona at Dennis.

Habang palapit ako sa kanila nag salita si Rona.

"Hoy loser! bakit ang tagal mo, kahit kelan talaga ang loser mo!"

"Aba sino kaya may kasalanan bakit ako na late? Ikaw itong nag patulong ka-gabi hanapin ung aso mo"

"Cheeeee! loser!"

"Ayan nanaman kayo parang shota" sambit ni Dennis.

Na mula ng konti ang mga pisngi ni Rona.

"Tara na at pumasok na tayo sa loob baka ma-unahan pa tayo ng magandang pwesto, Eto mga ticket niyo bumili na ako kanina" singit ni Swakie.

"Salamat Swakie, Tara na nga" sabay batok kay Rona.

"Hoy kung maka-batok ka!"

"Hahahahaha"

Pumasok na kami sa Megatrade Hall kung saan ginaganap ang isang Anime and Game Convention.

Ang dami agad tao, mga Gamers, Cosplayers, Photographers at pati na din mga fans ng mga Cosplayers.

Habang nag lalakad kami para makaupo malapit sa stage nang biglang may tumawag kay Rona.

"Ronachiiiii!"

"Uy Lyra? Lyra ikaw nga! wow cosplayer ka na pala ngayon. hahaha!"

"Hahaha! ganun talaga friend"

Teka siya yung nakita ko sa tren ah? Infairness bagay sa kanya ung cosplay niya na Saber. Tumingin siya sa akin at nag salita.

"Hmm... ikaw ung tumititig sakin sa Mrt diba?"

"Te-teka bakit mo alam?!"

"Hula ko lang" pa bulong niyang sinabi sabay ngiti.

"Oh pano Rona doon muna ako sa Cosplay area at mag re-register pa ako"

"Cge Lyra good luck mamaya sa catwalk"

Bigla akong siniko ni Dennis.

"Ayos ka talaga tol hahaha!"

"Tumigil ka nga"

Nag tungo na kami sa harapan ng stage para manood ng program ng event. May battle of the bands kung saan ang mga banda ang nag lalaban habang kumakanta ng cover song mula sa isang anime.

At sumunod na nga ang individual cosplay competition.

"Ok! alam namin kanina niyo pa hinihintay ang cosplay competition kaya sisimulan na natin!!" maligalig na sinabi ng host.

Kasama kami nag hiyawan ang mga audience, At nag simula na nga ang cosplay competition. Kanya-kanya diskarte ang mga cosplayers sa catwalk.

"Ok thank you number 36, that was Mr. Allan Salazar cosplaying a High Wizard from Ragnarok Online. Next up number 37 Ms. Lyra Quimbao, cosplaying Saber from Fate/Stay Night!"

"Ayan na si Lyra! Naku dapat videohan ko ito!"

"At talagang vi-videohan?" sabi ni Swakie

"Wag ka nga Swakie!"

"Hahahaha!"

"Hoy tawa-tawa ka diyan Neal? Wag kang hi-hingi ng copya nito ha!"

"Eh di hindi!"

Habang nag lalakad papunta sa gitna ng stage kumaway si Lyra sa mga audience, nung malapit na siya sa amin biglang na talisod si Lyra pahulog sa kina-uupuan namin

"Aaaah!!"

Natumba ako sa pag kakasalo sa kanya.

"Ly-Lyra? ayos ka lang ba?"

Nagkatitigan kami sa mga mata.

"I'm fine..."

"Oh my god! we have an accident!!" takot na sinabi ng host.

Tumayo si Lyra at umakyat pa balik sa stage, na tulala na lang ako.

"Hey friend ok ka lang ba? baka may sugat ka?"

"I'm fine Rona" sabay ngiti.

Lumapit si Lyra sa Host ng event at kinausap ito.

"Ok! sorry for the commotion, audience please welcome again number 37 Ms. Lyra Quimbao!"

"Woooooo! Go girl!!" sigaw ni Rona.

Naglakad ulit si Lyra pa tungo sa gitna ng stage at tinapos niya ang kanyang cosplay skit, Nag palakpakan ang mga manonood.

Na tapos ang cosplay competition nang wala nang anumang aksidente pag tapos nung kay Lyra, Pinuntahan namin siya sa cosplay area pag tapos nung competition.

"Grabe girl! ang galing mo kanina!" sabay yakap ni Rona kay Lyra.

"Haha! ikaw talaga Rona"

Ngumiti siya sakin, Isang ngiti na ngayon ko lang nakita.

-end of chapter 1-



Song used at Neal's cellphone ringtone: "Ohayou" by Keno

All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.
Creative Commons License
I love you a thousand times by dexter64 is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.