Monday, May 23, 2011

Chapter 2 - Inumin

Tumingin ako sa kalindaryo ng computer, Biyernes nga pala ngayon. Ano kaya magandang gawin mamaya pag tapos ng shift ko dito sa internet cafe?

"Kuya extend pa isang oras sa number 14!" sigaw ng isang customer.

"Ok!"

Dinagdagan ko ng isang oras ang kanyang computer rent. Hay wala nanaman magawa, makapag log-in nga sa yahoo messenger ko.

"cli-cli-click. tik"

Biglang may nag pop-up na window pag ka log-in ko.

"Lyra Quimbao wants to add you"
"Accept or Decline"

Teka, si Lyra nung linggo? Pinindot ko agad ung accept at tinignan ko agad kung online siya.

"Lyra Quimbao - Offline"

Biglang may nag pop-up ulit na chat box window.

"Hi!"

"Lyra?"

"Yup!"

"Teka offline ka ha?"

"Naka invisible lang hehe"

"Bakit? Madaming fans? hahaha!"

"Fans ka diyan, Wala noh!"

"Hahahaha!

"Salamat nga pala nung linggo, cge out na ako ^_~"

Pagka-tapos namin ni Lyra mag chat sa yahoo messenger nag log-out na din ako. Lumipas ang oras at na tapos din ang shift ko, Habang nag a-ayos ako ng gamit ko sa ikalawang palapag nakita ako ni uncle.

"Oh, pa-uwi ka na?"

"Ah opo uncle"

"Sabi nga pala ni Dan baka pumunta daw ulit kayo ng Naga"

"Ganun po ba, Sige ho handa naman ako kung kailan yun. Pano po uwi na ako"

"Sige ingat"

Nasa jeep na ako pa uwi pero na isipan ko muna dumaan sa Mall na malapit tutal Biyernes naman.

Nag punta ako sa isang coffee shop at umorder ng isang Mocha Frappuccino, Dala ang kape ko dali-dali ako pumunta sa bakanteng mesa dahil yun na lang ang bakanteng pwesto sa dami ng tao sa coffee shop.

"Ah!"

Nag ka tinginan kami nang isang babae, papunta din pala siya dun sa bakanteng pwesto.

"Naku pasensya ka na"

"Hindi, ikaw na ma-upo diyan miss"

"Ah! hindi! nakakahiya naman..."

Bigla ko na pansin nakatingin na sa amin yung ibang customers ng coffee shop.

"Sa tingin ko mas ok kung ma-upo na lang tayo pareho"

Napangiti na lang siya at umupo na kami pareho. Kaparehas ko lang siya ng tangkad at naka salamin siya, Nag salita siya bigla.

"Salamat nga pala"

"Wala yun" Nahihiyang sagot ko.

Na tahimik kami pag tapos nung maiklit usapan, Tahimik niya ininom ang kape niya at nung nasa kalahati na yung kape niya nag salita ulit siya.

"Sige ha salamat, Una na ako"

"Ah, Sige"

Tinignan ko lang siya hanggang maka-alis siya sa coffee shop. Inubos ko na din yung kape ko at nag pasiya na din ako umuwi ng bahay. Habang nag lalakad ako pa uwi tinignang ko yung cellphone ko.

"Ay, naka off nga pala"

Binuksan ko ang cellphone ko.

"Oops! 12 messages, sino kaya ito?"

"Uy si Dennis?"

"Tol pwede ka ba ngayon gabi? Inom tayo..."
-dennis

"Uy tol pasensiya ka na, ngayon ko lang na alala buksan yung cellphone ko. saglit lang at dadaan ako sa inyo"
-reply ko

Pumunta agad ako sa bahay nila Dennis at pag dating ko doon nandoon din pala si Rona.

"Tol heto" Sabay abot ng isang bote ng beer sakin ni Dennis.

Na upo ako at napatingin kay Rona, Nag salita si Dennis.

"Ang sakit tol! Ang sakit! 3years na kami tapos ganun na lang?! TANG INA!"

"Eh ano ngayon kung nasa Cebu na siya? PUTANG INA TALAGA!" Ma-iyak iyak na sinabi ni Dennis.

Bumuhos ang luha ni Dennis, Yinakap siya ni Rona.

Lumipas ang oras at naka tulog na sa ka-lasingan si Dennis, ako naman medyo may tama na din ng alak. Dinala namin ni Rona si Dennis sa kwarto niya at hinayaan makatulog, Nag linis kami ng mga kalat galing sa inuman namin at pag tapos nito ay sabay na kami umuwi ni Rona.

Nag lalakad kami pa uwi ng bahay nila Rona at bigla siya nag salita.

"Nakakatakot ba ang pag-ibig?"

"Huh?"

"Nalulungkot lang ako para sa kaibigan natin... Hindi ba ang pag-ibig ay isang masayang bagay?"

Hindi ko masagot si Rona, Kahit gusto ko siya sagutin sa tanong niya.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Tara na..."

-end of chapter 2-



All characters appearing in this work are fictitious, any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

1 comment:

  1. nice blog. Visit niyo din to, http://warm-heaven.blogspot.com, maraming salamat!

    ReplyDelete

Creative Commons License
I love you a thousand times by dexter64 is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.